Napalaban ang tropa: 2 sundalo, sugatan sa engkwentro kontra teroristang Dawlah Islamiya

Sinasabing sangkot ang grupong Dawlah Islamiya sa mga pagsabog at pananambang, at nakasagupa nito lang ang mga tauhan ng 40th Infantry Battalion, ayon sa militar.

Nagkapalitan ng putok ang militar at grupong Dawlah Islamiya noong Martes, Oktubre 17.

Naganap ang engkwentro sa Datu Hoffer sa Maguindanao del Sur, kung saan nagpang-abot ang ang mga sundalo ng miltar at mga miyembro ng Dawlah Islamiya.

Ayon kay Maj. Gen. Alex Rillera, 6th Infantry Division (ID) commander, nagsimula ang engkwentro nang paputukan ng mga miyembro ng Dawlah Islamiya ang mga tauhan ng 40th Infantry Battalion, na dinispatcha upang siyasatin ang presensiya diumano ng mga nangingikil sa mga magsasaka sa Datu Hoffer.

Dalawang sundalo ang sugatan matapos ang putukan, samantalang apat na miyembro naman ng Dwalah Islamiya ang napaulat na may tama.

Batay rin sa parehong ulat, dinala sina Pfcs. Anthony Felomino at Aineer Magayan sa Maguindanao del Sur Provincial Hospital sa Shariff Aguak para sa karapatang lunas. Samantala, sinasabing kamag-anak ng apat kalaban ang mga pinuno ng Dawlah Islamiyah na sina Abdulkarim Hashim at Danny Cabakunan.