Napako pangako! Veteran actress Eva Darren binastos ng FAMAS

Nilantad ng anak ni veteran actress Eva Darren ang masamang nangyari sa kanyang ina nang imbitahan ito para maging presenter sa FAMAS.

Nilantad ng anak ni veteran actress Eva Darren ang masamang nangyari sa kanyang ina nang imbitahan ito para maging presenter sa FAMAS.

Kinuwento ni Fernando de la Pena sa isang Facebook post na may kumausap sa kanyang ina para dumalo sa FAMAS, na katumbas umano ng Oscars ng Amerika.

Binigyan ng script si Eva para maging awards presenter kasama si Tirso Cruz III.

Ayon kay Fernando, excited ang kanyang ina at bumili ng dress at heels para isuot sa event.

Nagbayad din ng P5,000 si Eva kada tao para makadalo sa FAMAS, kung saan sama pa niya ang kanyang tatlong apo.

“It was all worth it though. After all, the last time she was on stage during a FAMAS awards night was back in 1969 when she received the coveted “Best Supporting Actress Award” for her role in the movie ANG PULUBI (The Beggar) opposite legendary actress Charito Solis,” kwento ni Fernando.

Noong nandoon na sa event, nagkaroon ng pagbabago at hindi na pinaakyat ng stage si Eva.

“During the point where she was supposed to present an award, her partner, Mr. Tirso Cruz III went upstage with an upcoming young singer instead. Not my mom,” saad ni Fernando.

“My mother never went on the stage,” aniya pa.

Humingi ng paumanhin ang PR officer sa kanila, ngunit walang sinabing dahilan tungkol sa pagbabago ng award presenter.

Dahil dito’y tinawag na ‘rude, disrespectful, unethical at unprofessional’ ni Fernando ang pamunuan ng FAMAS sa ginawa nila sa kanyang ina.

Wala pang pahayag ang award-giving body hinggil sa naturang alegasyon.