‘Napakahalaga ng inyong boto’: Abalos, nanawagan kontra vote-buying

Sa pagsisimula ng campaign period para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections, hinikayat ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga botante na huwag ipagbili ang “napahakalagang” boto nila.

Hinikayat ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga botante na huwag ipagbili ang boto nito.

“Let’s work together to protect our electoral process against those who commit vote buying and vote selling. Wakasan natin ang kanser ng lipunan na ito!” sabi ni Abalos sa isang pahayag sa pagbubukas ng campaign period ng barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) nitong Huwebes, Oktubre 19.

Pinaalalahana rin ni Abalos ang mga botante na may kapangyarihan ito na simulant ang pagbabago na magsisimula sa pagpili sa tamang kandidato.

“Voting is a sacred exercise of our democratic rights. Napakahalaga ng inyong mga boto lalo na’t malaki ang papel na ginagampanan ng mga barangay sa pagpapatupad ng mga programa at polisiya ng pamahalaan,” paliwanag pa ni Abalos.

Tiniyak rin niyang handa na ang Philippine National Police na panatilihin ang kapayapaan at seguridad ng mga barangay sa darating na halalan.