Napag-iwanan na ang Pilipinas: Itaas ang antas ng industriya ng niyog sa bansa—solon

Dati nang mataas ang produksyon ng niyog ng bansa, subalit nitong mga nakaraang taon ay unti-unti na itong napag-iiwanan, partikular na ng India at Indonesia. Kaya naman nanawagan si Camarines Sur 2nd district Rep. LRay Villafuerte ng full support para sa industriyang ito.

Nais ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na mapagandang muli ang industriya ng niyog sa bansa, kung kaya suportado niya ang plano ng Philippine Coconut Authority (PCA) na makipagtulungan sa mga local government units (LGU) para sa Coconut Planting and Replanting Project nito.

Sa kasalukuyan, marami sa mga coconut farmers ng bansa ang namumuhay sa kahirapan, lalo pa’t pababa ng pababa ang per-tree productivity nila.

Kanya naman umaasa si Villafuerte na malaki ang maitutulong ng mga LGU sa pagpapataas ng produksyon ng niyog.

“The all-out support of LGUs in coconut-producing localities behind the PCA’s development and rehabilitation plan is crucial to re-energizing this previously flourishing sector and lifting from poverty our coconut farmers,” saad ni Villafuerte sa isang pahayag nitong Linggo, Oktubre 29.

Umapela rin siya sa pamahalaan na suportahan ang kaniyang adhikain mapataas ang antas ng industriya ng niyog sa bansa.

“Only the full support of the Palace, NGAs (national government agencies), LGUs in coconut-producing provinces, and the private sector behind this five-year PCA program—and beyond—can and will lift our coconut farmers from poverty and revitalize this industry to achieve anew its full export potentials through this ambitious replanting program and other intervention programs,” dagdag pa ni Villafuerte.