Napa-oo agad! Joshua, Julia magsasama ulit

Inaabangan ngayon ng mga fans ng dating tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto ang muling patatambal ng dalawa sa pelikula.

Inaabangan ngayon ng mga fans ng dating tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto ang muling patatambal ng dalawa sa pelikula.

Muli kasing magsasama sa palabas na “Un/happy For You” matapos ang apat na taon.

Ayon sa aktor, noong nalaman niyang si Julia ang kanyang makakatambal sa pelikula ay hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang proyekto.

Aniya, teenager pa sila noong huli silang nagsama, at ngayon nga ay nag-mature na sila.

“Nung nalaman ko ‘yung project, sabi ko yes agad kasi ang tagal na rin kasi nung agwat nung panahon na nag-work kami before kasi mga teenager kami,” pahayag ni Joshua.

“Ngayon, I can say nag-mature na rin kami, lumaki na kami, literal. Exciting lang, nagkanya-kanya kaming journey parang ngayon magbabalikan kami sa pelikula,” sabi pa ng binata.

Saad naman ni Julia: “At some point, you know, when a good material comes along with a great team, it is such an exciting idea. It is already the right time. We are both in a good place in our lives. I am happy na magtatrabaho tayo ulit.”