Nang-iinis talaga: China, patuloy ang agresibong paglayag sa WPS–AFP

Tila walang sawa ang China sa pagiging agresibo nito sa West Philippine Sea dahil patuloy nitong ginugulo at hina-harass ang mga barko at bangka ng bansa na may karapatan namang maglayag sa nasabing teritoryo.

Mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang patuloy umanong agresibo at mapanganib na pagkilos ng mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS) nitong.

Partikukar na pinuna ng AFP ang ang ginawang pagpaligid at pagharang ng China sa barko ng Philippine Navy na nagsasagawa ng isang resupply mission.

Kwento ni AFP Spokeperson Col. Medel Aguilar, papunta na ang BRP Benguet sa Rizal Reef Station par sa regular na rotation and resupply (RoRe) mission nito nang lapitan ito ng People’s Liberation Army Navy Ship 621 (PLAN 621).

Dagdag pa ng AFP, tinangka pa umanong lumapit ng PLAN 621 subalit nagawa itong itinaboy ng Navy, na pinaalala pa sa China na iligal ang pagpunta nila sa naturang teritoryo.

Para naman kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, “dangerous and offensive maneuvers” ang ginawa ng PLAN 621, kaya tama lang ang ginawa ng Navy.