Nancy ng Momoland, celebrity na sa ‘Pinas!

Kapuso na ang aktres na si Nancy McDonie, na dating nakilala bilang member ng K-pop group na Momoland.

Kapuso na ang aktres na si Nancy McDonie, na dating nakilala bilang member ng K-pop group na Momoland.

Inanunsyo ng GMA Artist Center na bago nilang talent si Nancy.

”Get ready to witness her journey as she shines among the brightest stars in the industry!” ayon sa post.

Nakilala si Nancy sa Momoland matapos nilang i-release ang kanyang ‘Bboom Bboom’. Taong 2023 ay nag-disband na ang grupo.

Naisyu pa noon si Nancy kay James Reid matapos siyang makita na kasama ng Pinoy actor sa California.