Nancy Binay babanggain bayaw para sa pagka-Makati mayor?

May tsansang magkatapat sina Senadora Nancy Binay at kanyang bayaw kung sakaling magdesisyon itong tumakbo bilang mayor ng Makati.

May tsansang magkatapat sina Senadora Nancy Binay at kanyang bayaw kung sakaling magdesisyon itong tumakbo bilang mayor ng Makati.

Posibleng makalaban ni Binay si Makati Rep. Luis Campos Jr, na asawa naman ng kasalukuyang Makati mayor na si Abby Binay.

Ayon kay Binay, handa siyang isakripisyo ang relasyon niya sa kanyang bayaw kung sakaling magkalaban nga sila sa politika.

“Kung kailangan i-sacrifice yung in-law relationship para sa mga kababayan ko sa Makati, then we have to sacrifice that,” saad ni Binay.

May mga senyales pang iniintay ang senadora bago magdesisyon na tumakbo sa Makati.

Isa rito ay ang basbas ng kanyang anak, na ayaw siya dating papasukin sa politika.

“Because before, yung daughter ko ayaw nya talaga akong pumasok (sa politika). Tapos nung tinanong ko siya ulit, ok na siya,” sabi ni Binay.