Nanalo ang mga pasaway? Konsolidasyon sa PUV modernization, pinalawig ni PBBM hanggang Abril–Palasyo

Kung hindi inaprubahan ng pangulo ang pagpapalawig, hindi na makakabiyahe pa ang mga tsuper na hindi kasama sa mga kooperatiba o korporasyon simula Pebrero 1.

Pinalawig pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hanggang Abril 30 ang mandatong konsolidasyon sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Ayon kay Communications Secretary Cheloy Garafil, ang naturang pagpapalawig ng konsolidasyon ay batay na rin sa rekomendasyon ni Transportation Secretary Jaime Bautista.

BASAHIN RIN: Higit sa lahat ng ganansya, moderno pati mindset nila! Mga kooperatiba, ibinida ang mga benepisyo ng PUV modernization

“President Ferdinand Marcos Jr. has approved Transport Secretary Jaime J. Bautista’s recommendation, granting an additional three months until April 30, 2024 for the consolidation of public utility vehicles,” anunsiyo ni Garafil sa isang pahayag.

Dahil dyan, makakahabol na sa konsolidasyon ang mga tsuper at operator na hindi umabot sa orihinal na deadline na Disyembre 31, 2023.

Kung hindi inaprubahan ng pangulo ang pagpapalawig, hindi na makakabiyahe pa ang mga tsuper na hindi kasama sa mga kooperatiba o korporasyon simula Pebrero 1.

BASAHIN RIN: Hindi na sumunod pero may tulong pa rin sila! DOLE, naglaan ng tulong sa mga tsuper na apektado ng PUVMP