Namumulso lang sa madlang pipol! Balak na pagtakbo ni VP Sara sa 2025, pagsukat lang sa interes ng mamamayan—PBBM

Para kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang anunsyo ni VP Duterte na tatakbo ito sa susunod na eleksyon ay taktika lamang ito para makuha nito ang pulso ng sambayanan.

Tila ipinagkibit lamang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang anunsiyo ni Bise Presidente Sara Duterte na tatakbo siya sa eleksyon sa susunod na taon kahit 2028 pa matatapos ang termino nito.

Para kay Marcos, taktika lamang ito para makuha ni Duterte ang pulso ng sambayanan.

“I think she’s also testing the waters to see what the reaction will be,” sabi ni Marcos sa isang taped interview sa programang “24 Oras” nang tanungin siya sa kaniyang reaksyon hinggil sa anunsyo ni Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, hindi pa rin daw nila napag-uusapan ni Duterte ang plano nito para sa susunod na eleksyon para sa Senado, House of Representatives, at lokal na pamahalaan.