Namatay ba sa sampal o hindi? Mag-aaral na namatay sa Antipolo, nakaranas ng pamamaga ng utak, matinding pagdugo—PNP Forensics Group

Bagaman ipinaliwanag na ng mga medico-legal na opisyal ang sanhi ng pagkamatay ni Francis Jay Gumikib, tikom pa rin ang bibig nila sa tanong na kung may kinalaman ba ang pananampal ng kanyang guro sa biglaang pagpanaw ng mag-aaral.

Meta: Bagaman ipinaliwanag na ng mga medico-legal na opisyal ang sanhi ng pagkamatay ni Francis Jay Gumikib, tikom pa rin ang bibig nila sa tanong na kung may kinalaman ba ang pananampal ng kanyang guro sa biglaang pagpanaw ng mag-aaral.

Story text:

Hindi sanhi ng pagsampal ng guro ang pagputok ng ugat sa mag-aaral sa Antipolo na namatay kamakailan, ayon sa medico-legal office of the PNP-Forensic Group (PNP-FG).

Sa isang pulong balitaan, sinabi ng FG na “intracerebral hemorrhage and edema” ang sanhi ng pagkamatay ni Francis Jay Gumikib, 14, na isang Grade 5 student.

“With regards to the layman’s term of the cause of death, intracerebral, cerebral edema is pamamaga po ng utak, and intracerebral hemorrhage is iyong pagdurugo po sa utak,” said Lt. Col. Maria Analiza dela Cruz, hepe ng PNP-FG medicolegal office sa Rizal.

“Ang nag-cause pong intracerebral hemorrhage o iyong pagdurugo sa utak ay iyong pamamaga po sa utak at ang naging cause naman po ng intracerebral hemorrhage is iyong titingnan po natin, kaya sinabi natin na non-traumatic ang nature noong pagputok ng ugat na iyon, is mostly it is a rare condition,” dagdag pa ni Dela Cruz.

Paliwanag pa ng opisyal, karaniwan sanhi iyon ng intracerebral hemorrhage sa mga ka-edaran ng biktima.

“At first is asymptomatic tapos biglang na lang po. Fragile po itong mga ugat na iyon na it can rupture or burst spontaneously. In other cases naman po, meron pong tension on that particular anomaly doon sa utak,” ani Dela Cruz.

Sa kaso ni Gumikib, nangyari ang pagdurugo sa pinakaloob-looban ng kanyang utak, base sa CT scan nito, ayon sa opisyal.

Tumanggi ang mga miyembro ng PNP-FG na sagutin kung may kaugnayan ang pananampal sa biktima sa kondisyon nito.