Nakonsensya na! EA Guzman awat na sa ‘pagsasarili’

Tinigilan na raw ng aktor na si EA Guzman ang pagpaparaos dahil nakonsensya na umano siya dito.

Tinigilan na raw ng aktor na si EA Guzman ang pagpaparaos dahil nakonsensya na umano siya dito.

Sa panayam ng showbiz insider na si Ogie Diaz, isiniwalat ni EA kung gaano katagal na siyang hindi ‘nagsasarili’.

“Ako siguro, a year. Isang taon na,” wika ng aktor.

Bukod pa rito, nais umano ni EA na ipreserba ang kanyang semilya para sa nakatakda nilang kasal ni Shaira Diaz.

Si Shaira, na nasa panayam din ni Ogie, ay sumegunda sa sinabi ng kanyang fiancee.

“Parang hindi totoo, ‘no? Pero kinakaya niya,” wika ng aktres.

Lantad sa madla sa relasyon nila ay hindi pa isinusuko ni Shaira ang kanyang pagka-birhen, dahil para lang daw ito sa mag-asawang ikinasal.

Sa parehong panayam ay inamin din ni Shaira na naiyak siya nang mabuking niya ang panonood ni EA ng porn.