Nakikiramay po sa mga naulila! 1 pang Pinoy, kumpirmadong patay sa gera ng Israel kontra Hamas—DFA

Alam na rin ng naulilang pamilya ang sinapit ng kanilang kamag-anak, ang ikatlong Pilipino na natukoy na namatay sa Israel bunsod ng pag-atake ng teroristang Hamas.

Isa pang Pilipino ang kumpirmadong napatay sa gitna ng bakbakan sa pagitan ng Israel at teroristang Hamas, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“I regret to inform you that yes, it is confirmed there is a third Filipino casualty, a 49-year-old woman from Negros Occidental,” sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega sa pulong-balitaan sa Palasyo.

“Her family is aware. The President is aware,” dagdag pa ng opisyal.

Dumalo ang pinakabagong Pilipino na biktima, na nagtatrabaho sa Israel bilang isang caregiver, sa isang music festival kung saan sumugod ang mga Hamas, paliwanag ni De Vega.

“The embassy said morgue and Jerusalem police confirmed. It’s Filipino. The employer I think tweeted also,” ani De Vega.

“Why do you need testing? Why does it need time? Unfortunately, a lot of the bodies of those who were killed were mutilated or burned or so that’s why it is taking time,” ayon pa sa opisyal.

Mayroon pang hinanhanap na tatlong Pilipino na kasalukuyang nawawala, ayon kay De Vega.