Nakikipagbati na, pero binabanatan pa! Senado, walang balak makipagtulungan sa Kamara pagdating sa Cha-Cha—mambabatas

Sa basa ni House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe, tahasang tinanggihan ng Senado ang alok ni House Speaker Martin Romualdez na magkaayos ang Senado at House of Representatives pagdating sa Charter Change.

Tahasang tinanggihan ng Senado ang alok ni House Speaker Martin Romualdez na magkaayos ang Senado at House of Representatives pagdating sa Charter Change.

Iyan ang basa ni Majority Leader at Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe sa patuloy na mga tirada at patutsada ng Senado sa Kamara at kay Romualdez mismo.

“The Speaker, in a gesture of goodwill and with an unwavering commitment to our democratic principles, extended an olive branch to our counterparts in the Senate, signaling a readiness to collaboratively amend our Constitution through a Constituent Assembly (Con-Ass). Yet, this earnest endeavor to fortify the pillars of our republic was met not with reciprocation but with betrayal, as certain senators opted to wield their words like daggers, aiming at the very heart of legislative camaraderie,” saad ni Dalipe.

Ang tinutukoy ni Dalipe ay ang Resolution of Both Houses (RBH) No.6 na unang isinulong ng Senado pero ngayon ay tila inuurungan na.

Dagdag ng mambabatas, sinasadyang pahinain ng Senado ang Kamara sa mga tirade nito.

“Respect begets respect. By undermining the House, the Senate not only sows discord within the halls of Congress but also risks alienating the representatives of more than 300 legislative districts, potentially losing their respect and cooperation, essential for any legislative body to function effectively,” aniya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin magkasundo ang Senado at Kamara sa paraan ng pag-amyenda ng Saligang Batas.