Nakatutok, 24 oras! Kapakanan ng rice farmers, laging prayoridad ni PBBM

Isa sa mga prayoridad ngayon ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang food security, at isa sa nakikita niyang sagot dito ay ang matatag na industrya na bigas na kayang mag-supply ng sapat na ani para sa bansa.

Gagawin ng gobyerno ang lahat upang mapalago ang industriya ng bigas sa bansa at matiyak ang kapakanan ng mga rice farmers nito.

Tiniyak ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na na dumalo sa ika-6 International Rice Congress nitong Lunes, Oktubre 16, sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

We will do everything to pursue and punish those who are involved in smuggling and hoarding. We will make them pay for their wrongful actions and remedy the situation,” pangako ni Marcos, na nagsabi isang comprehensive, holistic, at scientific approach ang gagawin ng pamahalaan para tugunan ang mga problema sa industriya.

“We will remain steadfast in our efforts to modernize the agriculture sector through open dialogue and consultations with our farmers and agriculture experts,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, hinikayat ng pangulo ang public at private sector na makipagtulungan sa International Rice Research Institute at makibahagi sa pagsulong ng pamahalaan sa mga inobatibong solusyon para sa industriya.

“With all these said, it is important to remember that not one of us alone can do everything that needs to be done. We have seen through the years what greater power we yield when we are united, just like how the first five installments of this Congress have brought about great progress in the international rice industry,” paliwanag ng Pangulo.