Nakapatay sa EDSA Ayala road rage, arestado na

Naaresto na ng mga awtoridad ang suspek na namaril ng isang family driver sa EDSA Ayala tunnel nitong Martes ng hapon.

Naaresto na ng mga awtoridad ang suspek na namaril ng isang family driver sa EDSA Ayala tunnel nitong Martes ng hapon.

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, nakakulong na ang suspek ngunit wala nang ibinigay pang detalye ang kalihim.

Samantala, kinilala ng pulisya ang suspek na si Gerald Raymund Yu.

Dinala na ito sa Makati Police Station nitong Miyerkoles.

Sangkot si Yu sa pamamaril kay Aniceto Mateo, 65, isang family driver.

Ayon sa report, nagkagitgitan ang dalawang driver dahilan para mag-amok ang nagmamaneho ng isang itim na Mercedes Benz.

Binaril nito ang driver ng puting Toyota Innova kung saan natamaan ito sa bandang likod na kaagad nitong ikinasawi.