Nakakatulong pa raw! Diwata ‘di galit sa mga vlogger

Wala umanong pakialam ang street food vendor at social media personality na si Diwata kung ginagatasan man siya ng mga food vlogger sa bansa.

Wala umanong pakialam ang street food vendor at social media personality na si Diwata kung ginagatasan man siya ng mga food vlogger sa bansa.

Naging usap-usapan sa social media ang taktika ng mga vlogger na pag-feature sa sikat na paresan ni Diwata upang makahakot ng views at followers.

Sa panig naman ni Diwata, wala siyang nakikitang mali sa ginagawa ng mga vlogger dahil hindi rin naman daw siya hinihingian ng pera para i-feature.

“Hindi ko iniisip na ginagawa akong gatasan kasi in the first place, wala naman silang hiningi na pera bagkus nakakatulong pa sila sa akin para i-vlog, para dumami ‘yung customer, dumami ‘yung makakita para makilala ang Diwata Pares,” aniya.

“So pagdating diyan, sa gatasan na words, hindi ko na alam kung paanong gatasan kasi hindi naman kayo nanghihingi sakin ng pera, wala naman akong binibigay. Pag kumain kayo, nagbayad naman kayo,” dagdag pa niya.

Sikat ang pares ni Diwata dahil sa sangkatutak nitong rekado at murang halaga.

Samantala, inanyayahan pa niya ang lahat na dumayo para tikman ang kanyang pares.

“Sabi ko nga, welcome lahat dito –bashers, vloggers, newscasters, honest review, hindi honest review…welcome!” wika pa niya.