Nakakapagtaka! Hontiveros kinuwestyon pagsuporta ni Sara kay Quiboloy

Isang malaking palaisipan para kay Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang pagdalo at pagpapakita ng suporta ni Vice President Sara Duterte kay Pastor Apollo Quiboloy.

Isang malaking palaisipan para kay Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang pagdalo at pagpapakita ng suporta ni Vice President Sara Duterte kay Pastor Apollo Quiboloy.

Matatandaang kamakailan ay nakiisa ang Bise Presidente, kasama ang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa isinagawang prayer rally ng mga taga-suporta ni Pastor Quiboloy sa Liwasang Bonifacio noong Marso 12.

“Nakakapagtaka ang administrasyon or at least the Office of the Vice President, mas dedepensahan pa nila ‘yung precisely isang tao na accused of the worst crimes against the most vulnerable of our society,” saad ni Hontiveros nitong Biyernes.

Pagdidiin ni Hontiveros, dapat ay mas pinapanigan umano ng mag-ama ang kapakanan at interest ng tunay na biktima at hindi ang mga nangaabuso.

Dagdag pa ni Hontiveros, sana’y mas binibigyang tuon na lang umano ng dalawa ang pagprotekta sa mga sundalo at mangingisda sa West Philippine Sea.

Samantala, wala pang sagot ang mag-amang Duterte ukol sa sinabi ni Hontiveros.