Nakakahiya kayo! 3 Pinoy, arestado sa Taiwan dahil sa iligal na droga

Nagdala pa nang kahihiyan ang tatlong Pinoy sa Taiwan matapos maaresto dahil sa pagpupuslit umano ng iligal na droga.

Tatlong Pilipino ang inaresto ng mga awtoridad sa Taiwan dahil sa diumanong tangkang pagpuslit ng iligal na droga.

Ayon sa ulat ni Manila Economic Cultural Office (MECO) chairman Silvestre Bello III nitong Huwebes, Oktubre 12, naaresto ang tatlong Pilipino sa airport mismo ng Taiwan nang makitaan ito na may 10 kilo ng iligal na droga.

Nasakote ang dalawang suspek noon pang Setyembre 28 dahil sa pagdadala umano ng high grade cocaine, ayon sa opisyal.

Samantala, naaresto naman ang isa pang Pilipino noong Oktubre 11 lang dahil sa pagdadala raw ng dalawang kilo ng iligal na droga, dagdag pa ng opisyal.