Nakakagalit, nakakadurog ng puso: Nancy nagwindang sa Chocolate Hills resort

Hindi napigilan ni Senator Nancy Binay na magbigay ng kanyang saloobin sa itinayong resort sa paanan ng Chocolate Hills sa Bohol.

Hindi napigilan ni Senator Nancy Binay na magbigay ng kanyang saloobin sa itinayong resort sa paanan ng Chocolate Hills sa Bohol.

Nag-viral kasi sa social media ang naturang resort na umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen.

Ayon sa Senadora, unang tingin pa lang ay mali na ang pagtatayo ng resort sa kinilala ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na first global geopark sa Pilipinas.

Ipinahayag din ni Binay ang kanyang galit at pagkadurog ng puso ukol dito.

“Nakakagalit at nakakadurog ng puso ang nakita nating mga nakatayo nang resorts sa mga paanan mismo ng Chocolate Hills,” saad nito.

“Sa unang tingin pa lamang, alam na nating may mali,” dagdag pa niya.

Dahil dito, sinabi ni Binay na marapat lang na imbestigahan at suriin sa Senado ang pagtatayo ng mga istraktura sa paligid ng Chocolate Hills.

“If the DENR (Department of Environment and Natural Resources) continues to issue ECCs (environmental compliance certificates) in the guise of ‘tourism development,’ I believe they have misunderstood what ecotourism is all about, and they have become complicit to defacing a natural monument they’re supposed to oppose,” ani Binay.