Nakaka-proud maging Pilipino! Mas magandang hinaharap, posible dahil sa Bagong Pilipinas—mambabatas

Umaasa si Kabayan Party-list Rep. Ron Salo na tatahakin ng bansa ang daan tungo sa mas magandang kinabukasan dahil sa inilunsad na “Bagong Pilipinas” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Umaasa si Kabayan Party-list Rep. Ron Salo na tatahakin ng bansa ang daan tungo sa mas magandang kinabukasan dahil sa inilunsad na “Bagong Pilipinas” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Linggo, Enero 28, sa Quirino Grandstand sa Maynila.

“As I listened to the President’s speech, I felt a surge of pride in being a Filipino. The President’s vision and comprehensive master plan made me hopeful for the Philippines and for the Filipino people,” sabi ni Salo, na isa sa mga dumalo sa kickoff ng Bagong Pilipinas.

Aniya, “bold and necessary step towards addressing the root causes of the nation’s challenges” ang inilunsad na kampanya ng pangulo, na nagpapapakita lamang na meron itong “courage and vision needed to build a brighter future for all Filipinos.”

“As advocates for genuine and inclusive change and progress, we commend President Marcos for his commitment in leading the country towards a new era of development and prosperity. His dedication in addressing the deep-seated issues within our society is truly commendable, and we stand ready to support him every step of the way,” dagdag pi Salo.

Kanya naman hinimok ng mambabatas ang lahat ng sector sa bansa na suportahan ang kampanya ng pangulo upang magtagumpay ito.

“It is only through collective effort and unity that we can overcome the challenges that lie ahead and pave the way for a brighter tomorrow,” paliwanag ni Salo.