Naka-hingang maluwag? Migz inismol ‘kudeta’ sa Senado

Tila nakahinga ng maluwag si Senate President Juan Miguel “Migz” matapos magpahayag ng suporta sa kanyang liderato ang karamihan ng mga Senador.

Tila nakahinga ng maluwag si Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri matapos magpahayag ng suporta sa kanyang liderato ang karamihan ng mga Senador.

Sa gitna ito ng ugong na magkakaroon ng kudeta upang palitan siya bilang lider ng kapulungan.

Sa isang pulong-balitaang ngayong Miyerkules, pinasalamatan niya ang 17 senador na pumirma sa manifesto ng pagsuporta sa kanya.

“Ang suporta nilang lahat ay marka ng isang matatag na Senado na hindi natitinag ng anumang ingay at palaging nagkakaisa sa aming paglilingkod para sa bayan,” ani Zubiri.

Ang mga pumirma sa manifesto ay sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Senate Majority Leader Joel Villanueva, at Senators Sonny Angara, Nancy Binay, Christopher Lawrence Go, Ronald dela Rosa, Joseph Victor Ejercito, Sherwin Gatchalian, Lito Lapid, Grace Poe, Francis Tolentino, Raffy Tulfo, Mark Villar, Robinhood Padilla, Jinggoy Estrada, at Ramon Revilla Jr.

Sinabi rin ni Zubiri na hindi siya ang nasa likod ng manifesto na agad umikot sa opisina ng mga senador matapos pumutok ang isyu ng sibakan sa Senado.

“I think my colleagues particularly (the) core group, they all met one day nagpaikot sila ng manifesto of support and nagpapasalamat ako sa kanila para matigil na isyu ng kudeta so that we can focus the issue at hand,” sabi ng Senate president.