Naiwang nakasinding kandila sa altar, posibleng mitsa ng sunog sa isang bahay sa Camarines Sur

Kasalukuyang kinukupkop ng mga kamag-anak ang nasunungang lola.

CAMARINES SUR – Aabot sa P9,000.00 ang iniwang pinsala ng nangyaring sunog sa Barangay Cristo Rey sa bayan ng Bato, pasado alas-5:00 ng madaling araw nitong Huwebes, October 5, 2023.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), gawa sa light materials ang nasunog na bahay na pagmamayari ng 72-anyos na lola na kinilalang si Betty Tagle at posibleng ang naiwan nitong nakasinding kandila sa altar ang pinagmulan ng sunog.

Sa ngayon, pansamantalang kinukopkop ng kanyang mga kamag-anak ang biktima matapos na matupok ang kanyang bahay.