NAIA, sinusurot!

Nag-viral ang post sa isang Facebook group kung saan inireklamo ang mga kagat ng surot sa Terminal 2 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nag-viral ang post sa isang Facebook group kung saan inireklamo ang mga kagat ng surot sa Terminal 2 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa post sa DIY Travel Philippines, pinakita ng isang netizen ang kanyang balat na may pantal dahil umano sa kagat ng surot habang nasa departure area ng Terminal 3.

Nangyari umano ito noon lamang February 23 at inireklamo niya na raw ito sa management.

Nag-post din ang isa pang netizen na nagkaroon din ng pantal matapos namang umupo sa rattan chair sa Terminal 2.

Samantala, naglabas na ng pahayag ang Manila International Airport Authority (MIAA) kung saan pinaaksyunan na ang umano’y surot sa NAIA.

“MIAA General Manager Eric Ines immediately ordered the Terminal Managers to look into the matter and provide him with a report within 24 hours stating the circumstances surrounding the incidents and their recommended corrective actions to put an end to this problem,” ayon sa ahensya.

“Directive was also given for the conduct of comprehensive facility inspections and enhanced sanitation measures,” lahad pa nito.

Humingi rin ng paumanhin ang pamunuan ng MIAA sa mga naapektuhan ng surot sa naturang paliparan.

Bilang aksyon ay tinanggal na rin nila ang mga upuan na inireklamo ng mga concerned citizen, at binigyan din nila ang mga ito ng medical assistance.