NAIA porter isinauli nadampot na $10,000

Pinalakpakan ng netizen ang porter o pushcart retriever sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nang hindi ito nagdalawang-isip isauli ang napulot na pera na $10,000 (P565,000).

Pinalakpakan ng netizen ang porter o pushcart retriever sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nang hindi ito nagdalawang-isip isauli ang napulot na pera na $10,000 (P565,000).

Ayon sa panayam ng ABS-CBN News kay Victor Perez, 52 taong gulang, wala umano siyang balak na ibulsa ang nadampot na pera sapagkat ayaw niyang masira sa kanyang trabaho, lalo pa’t 10 taon na siya dito.

Mas gusto kasi umano niya ay ‘yung pera na kanyang pinaghirapan kaysa pinaghirapan ng iba.

“Ibabalik ko talaga sa tagal ko naman dito sa trabaho. Masisira pa ako sa mga pera na yan, saka hindi naman ako nagdalawang isip kasi lahat naman ng napupulot eh binibigay ko sa lost and found,” kwento nito.

Dagdag pa ni Perez: “Gusto ko yung pinaghirapan ko na pera hindi yung napulot ko kasi may may-ari nun… Pinaghirapan nya yun.”

Dahil dito, binigyan ng turistang may-ari ng pabuya si Perez, na nagkakahalagang $100.

Sey pa ni Perez, “Lahat naman tayo nangnangailangan pero sa tamang paraan na pinaghirapan natin”