NAIA parking area nagliyab, ilang sasakyan damay

Sumiklab ang sunog sa parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Lunes ng hapon.

Sumiklab ang sunog sa parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Lunes ng hapon.

Nagsimula ang sunog bandang ala-1:30 ng hapon sa extension parking ng naturang paliparan.

Nadeklara naman itong fire out makalipas ang 20 minuto.

Ayon sa isang fire personnel ay grass fire ang naging sanhi ng pagliyab sa parking area ng NAIA.

Samantala, 19 sasakyan ang tinatayang nasira dahil sa nangyaring sunog.

Hindi naman naapektuhan ang operasyon ng mga flight sa NAIA.