NAIA modernization ng SMC kasado na!

Selyado na ang partnership ng gobyerno at ng San Miguel Corporation-led group para sa rehabilitasyon at modernisasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Selyado na ang partnership ng gobyerno at ng San Miguel Corporation-led group para sa rehabilitasyon at modernisasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nitong Lunes, pumirma na ang Department of Transportation (DOTr) at SMC SAP & Co. consortium para sa P170.6 billion deal.

Personal na sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpirma ng SMC at DOTr sa kasunduan.

“This undertaking is not just about revenues that will be remitted to treasury alone, but resources invested in the airport and in many ways, it is an investment in our future,” lahad ni Marcos.

Sa concession agreement, inaasahan na kumita ang gobyerno ng P900 billion sa 15 hanggang 25 taon na pagpapaubaya sa SMC na i-operate ang NAIA.

Matatandaan na ilang problema ang hinaharap ng NAIA sa mga nagdaang taon.

Kabilang diyan ang mga power outage, pangingikil ng mga staff, pati ang pagkakaroon ng surot at daga sa naturang airport.

Positibo ang gobyerno na sa pagpasok ng SMC ay malulutas na ang mga matagal nang issue sa NAIA.