NAIA ligtas na sa surot – MIAA

Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) na wala nang surot sa dalawang terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) na wala nang surot sa dalawang terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“We have examined, we have inspected our seats, safe po ang ating mga upuan,” pahayag ni MIAA head executive assistant Chris Noel Bendijo sa panayam ng Radyo 630.

Pinalitan na rin umano ang ilang upuan sa NAIA Terminal 2 na gawa sa rattan.

“‘Yun pong sa Terminal 2, lahat po ay pina-pull out na po ni GM [MIAA General Manager Eric Ines]. Based dito sa initial recommendation ng ating pest control service provider, pati na rin ng ating terminal manager, mukhang medyo permanent muna na hindi ibabalik ito pong mga rattan chair,” dagdag pa ni Bendijo.

Ang mga surot ay nadiskubre ng ilang pasahero sa NAIA Terminal 2 at Terminal 3. Nag-viral pa ito sa social media, dahilan para mag-isyu ng public apology ang MIAA.