Nagwewelgang driver, nanuntok ng reporter!

Nagkainitan at nagka-tensyon sa protesta ng transport group na MANIBELA sa bahagi ng East Avenue, Quezon City nitong Lunes matapos umanong suntukin ng isa nitong miyembro ang isang radio reporter.

Nagkainitan at nagka-tensyon sa protesta ng transport group na MANIBELA sa bahagi ng East Avenue, Quezon City nitong Lunes matapos umanong suntukin ng isa nitong miyembro ang isang radio reporter.

Ayon kay DZRH reporter na si Val Gonzales, sinuntok siya ng dalawang beses sa tagiliran at hindi bababa sa sampung miyembro ng Manibela ang kumuyog sakanya habang nagre-report siya sa unang araw ng tatlong araw na protesta ng grupo laban sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program sa harap ng Land Transportation Office (LTO) bandang alas-9 ng umaga.

“The emotions and perceptions stemming from whatever our colleague reported is never a justification to subject a journalist to physical harm,” anang Defense Press Corps (DPC) sa isang pahayag.

Hinimok ng grupo ng media ang mga organizers at pinuno ng mga nagpoprotesta na pigilan ang kanilang mga miyembro at igalang ang kalayaan at karapatan ng malayang pamamahayag.

Bagama’t itinangging marahas ng MANIBELA ang pagkakasabi ni Gonzales, anila’y unang nagprovoke ang reporter sa kanila at nagmura pa sa kanilang mga miyembro, sinasabing dapat silang arestuhin dahil sa problema sa trapiko.

“In the same way the press is instrumental to extend the reach of sectors seeking redress for grievances against the government, so too should these sectors value, respect and safeguard the safety of journalists towards the betterment of society,” diin ng DPC.

Kinundena din ng iba pang ahensiya at grupo ng media ang insidente, kabilang ang Philippine National Police, Presidential Task Force on Media Security, at iba pang samahan ng mga mamamahayag.

Dahil dito, umaapela ang grupo ng mga mamamahayag sa mga awtoridad na imbestigahan ang nangyari at papanagutin ang mga myembro ng MANIBELA na nanakit kay Gonzales.

Kasabay ng tensyon sa protesta, lumitaw din ang mga isyu sa patuloy na implementasyon ng gobyerno sa PUV Modernization Program. Ipinapatupad ito upang palitan ang lumang at di na kailangang mga pampublikong sasakyan, ngunit kinukwestiyon ng MANIBELA ang mataas na presyo ng mga bagong unit na hindi kakayanin ng kanilang mga miyembro.