Nagsulat ng Konstitusyon, pabor sa economic reforms

Pabor si dating Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuna na amyendahan ang restrictive economic provision ng 1987 Constitution.

Pabor si dating Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuna na amyendahan ang restrictive economic provision ng 1987 Constitution.

Si Azcuna ay isa sa mga bumalangkas ng Konstitusyon.

Sa hearing kahapon ng House Committee of the Whole para sa Resolution of Both Houses No. 7, sinabi ni Azcuna na dapat naaayon ang economic provisions ng Konstitusyon sa pangangailangan ng bansa, lalung lalo na sa pabago bagong sitwasyon ng ekonomiya.

“Economic provisions should be flexible and they should not be cast in stone, and 37 years is casting in stone. The economic provisions must be responsive to changing economic conditions,” ani Azcuna

“Therefore, I believe that we should change the provisions to make them flexible by legislation by simply adding an amendment unless otherwise provided by law,” dagdag pa niya.

Ipinunto rin ni Azcuna na ang pagsingit ng “unless otherwise provided by law” ay nangangahulugan na maaaring amyendahan ng Kongreso ang limitasyon ng naaayon sa pangangailangan ng bansa.

“[The Constitutional amendment] is limited by the very form of their proposed resolution, which is in the form of a joint resolution of both Houses, and it is subjected to the cardinal rule of one subject matter only that must be expressed in that title. So political matters are not covered because they are not in the subject matter stated in the title. So that is the safeguard,” saad ng dating Associate Justice.