Nagsasabi lang ng totoo: Defense Sec. Teodoro dedma sa viral billboard niya

Nag-viral kamakailan ang isang digital billboard sa EDSA na may malaking mensahe ni Defense Secretary Gilbert Teodoro at ang mga salita nito tungkol sa dahan-dahang pag-angkin ng China sa mga pag-aari ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Hindi apektado si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa viral billboard nito sa EDSA dahil hindi naman daw siya ang nagpalagay noon at totoo naman daw kasi ang mensahe nito.

“I have nothing to do with those billboards. I did that statement during a TV interview and one of our supporters who is a Filipino-Chinese by the way found it be resonant and started posting it on electronic billboards out of a sense of civic duty I suppose because I have had no conversations with him,” paliwanag ni Teodoro sa isang panayam sa Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkules, Oktubre 18.

Ang nasabing digital billboard ay may malaking imahe ni Teodoro kasama ang isa sa kaniyang mga sinabi sa dati niyang panayam: “If we don’t stop [them], China is going to creep and creep into what is within our sovereign jurisdiction, our sovereign rights and within our territory.”

Iginiit rin ni Teodoro na wala namang mali sa sinabi niya at parte ito ng freedom of speech.

“Nevertheless, this a country that prides itself and cherishes freedom of speech and what I said was the truth and if the truth hurts, so be it,” ani Teodoro.