Nagpasalamat pa! Lalaki nagpa-jab kay Pacquiao

Kinaaliwan ng mga netizen ang isang lalaki na naglakas-loob na magpasuntok kay dating eight-division world champion Manny Pacquiao.

Kinaaliwan ng mga netizen ang isang lalaki na naglakas-loob na magpasuntok kay dating eight-division world champion Manny Pacquiao.

Sa isang video na ibinahagi sa Instagram ng Hoop Junkie, makikita ang ilang mga fans na nagpapakuha ng litrato kay Pacquiao. Naganap ito sa isang laro ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Imbis na autograph o selfie, isang jab ang hiniling ng lalaki na souvenir mula sa dating senador.

“Sir Manny isang jab lang dito,” wika ng lalaki habang tumuturo sa kanyang panga.

Pinagbigyan naman siya ng Pambansang Kamao. Nagpasalamat din ang lalaki sa kanyang alaala mula kay Pacquiao.

Samantala, sa comment section ay natawa ang mga netizen dahil tila may diin raw ang suntok ni Pacquiao.

“Ngiting iyak.”

“hahahaha may diin eh.”

“kunwari di masakit.”

“Nasaktan na nagpasalamat pa.”