Nagpaiwang pinoy sa Gaza ligtas!

Ligtas ang 63-anyos na Pilipinong madre na nagpaiwan sa Gaza Strip sa kabila ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas terrorists.

Ligtas ang 63-anyos na Pilipinong madre na nagpaiwan sa Gaza Strip sa kabila ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas terrorists.

Ito ang iniulat ni Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos sa isang pahayag.

“We received information that the church where the Filipino nun is staying in Gaza City is still standing and holding masses for the parishioners,” ani Santos.

“Although we have not established contact with her — the church’s landline appears to have been disabled — indications are that the Filipino nun is safe but has decided to remain in Gaza to complete her mission,” dagdag niya.

Nagdesisyong magpaiwan ang Pilipinong madre ng Missionaries of Charity Sisters of Saint Teresa upang patuloy na tumulong sa mga apektado ng bakbakan.

Umabot na sa 136 Pilipino ang napauwi ng ng gobyerno mula sa Gaza nang magsimula ang giyera noong nakaraang taon.

Inaasahang darating sa Pilipinas ang huling batch ng Filipino repatriates ngayong araw.