Naglalabasan na ang mga ahas! Sawang naligaw sa poste ng kuryente, nanghina at sugatan matapos makuryente

Paliwanag ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng Calasiao, tatlo ang posibleng dahilan sa paglabas ng naturang sawa mula sa kaniyang habitat: maaaring nagugutom ito, naistorbo ang kanilang lungga, o naninibago sa klima.

Patay ang isang sawang naligaw diumano sa isang poste ng kuryente sa Calasiao, Pangasinan nitong Lunes, Enero 22.

Kwento ng mga saksi, nakita nilang kumakain ang naturang sawa malapit sa isang puno. Subalit ilang minute pa ay napunta ito sa may poste na tila nawawala.

Gumapang na ito pataas sa poste kung saan nakuryente ito.

Natagpuan ng mga awtoridad na nakapulupot pa ang pobreng sawa sa poste. Nanghihina at sugatan na rin ito.

Gayunpaman, nagawa pa ring mailigtas ng buhay ang sawa.