Nagkabalikan na? Dominic Roque wallpaper pa rin si Bea Alonzo

Mukhang love is sweeter the second time around para kina Dominic Roque at Bea Alonzo.

Mukhang love is sweeter the second time around para kina Dominic Roque at Bea Alonzo.

Sa TikTok post ng netizen na si @maeganmedalla, napansin na larawan pa rin ni Bea ang wallpaper ni Dominic.

Nagpa-picture sa fans si Dominic at nahagip ang cellphone niya kung saan makikita ang picture ni Bea.

#image_title

Sa latest Instagram post din ni Dominic ay maraming kinilig sa isang photo na kanyang binahagi.

Larawan kasi ‘yon ng alagang aso ni Bea na si Walter, kaya naman maraming fans ang napaisip na posibleng nagkabalikan na ang dalawa.

Matatandaan na inanunsyo nina Bea at Dominic na hindi na matutuloy ang kanilang engagement noong February.