Nagka-ideya raw? Cynthia Villar pinapiyestahan sa Chocolate Hills memes

Nagawa pa rin ng ilang mga Pilipino na gawing katatawanan ang isyu ng resort sa Chocolate Hills.

Nagawa pa rin ng ilang mga Pilipino na gawing katatawanan ang isyu ng resort sa Chocolate Hills.

Ito’y matapos iugnay ng ilang netizen ang isyu sa Chocolate Hills kay Senadora Cynthia Villar sa pamamagitan ng mga meme.

Viral na sa Facebook ang ilang memes kung saan nakasaad na babalakin na raw ni Villar na magtayo ng subdivision sa Chocolate Hills dahil nauna na roon ang Captain’s Peak Garden and Resort.

Ang ilang netizen, inedit na ang Chocolate Hills at nilagyan na ito ng mga bahay at larawan ni Villar.

Ang pamilya Villar ay pangunahing paksa ng memes patungkol sa pagtatayo ng subdivision at pagbili ng mga lupain. Dahil na rin ito sa lawak ng sakop ng negosyo nilang Camella Homes.

Narito ang ilan sa mga viral memes: