Naging monopolyo lang! War on drugs ni Duterte kasinungalingan – Trillanes

Inilarawan ni ex-Senator Antonio Trillanes IV bilang isang malaking kasinungalingan ang war on drugs ng Duterte administration, dahil sa halip na puksain ay pinrotektahan lang umano nito ang mga drug lord na kaalyado ng dating pangulo.

Inilarawan ni ex-Senator Antonio Trillanes IV bilang isang malaking kasinungalingan ang war on drugs ng Duterte administration, dahil sa halip na puksain ay pinrotektahan lang umano nito ang mga drug lord na kaalyado ng dating pangulo.

Sa kanyang social media post, nagbigay ng reaksyon si Trillanes hinggil sa pagpapatawag ng Kamara sa negosyanteng si Michael Yang hinggil sa posibleng kaugnayan nito sa P3 bilyon halaga ng droga na nasabat sa Pampanga noong nakaraang taon.

Para kay Trillanes, walang duda na isang drug lord si Yang na nakinabang pa sa war on drugs ni ex-president Rodrigo Duterte.

“Si Michael Yang ang drug lord partner ni Duterte simula pa sa Davao City at sya ang nagpasok ng bilyun-bilyong halaga ng shabu sa Pilipinas from 2016-2023. The war on drugs was a big lie. Ginawa ito para patayin ang competition at mamonopolize ang illegal drug trade nila Michael Yang at Digong,” pahayag ng dating senador.

Inilatag din ni Trillanes ang kontrobersyang kinasangkutan ni Yang, kung saan naging broker umano ito ng P8 bilyon halaga ng COVID supply para sa Pharmally Pharmaceutical.

“Bukod pa rito, sya rin ang nagnakaw ng bilyun-bilyong pondo ng gobyerno thru Pharmally. Si Michael Yang ay isang purong Chinese citizen pero inappoint sya bilang economic adviser ni Digong para maliwanag sa mga authorities kung gaano sya kaprotektado,” dagdag pa ni Trillanes.

Lumabas sa imbestigasyon ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na ang interpreter ni Yang na si Lincoln Ong ay may kaugnayan sa kompanyang Empire 999. Ang naturang kompanya ang may-ari ng warehouse kung saan nasabat ang P3 bilyon halaga ng shabu. Ito ang dahilan ni Barbers upang ipatawag sa pagdinig si Yang.