Nagbubunga pang lalo: PBBM, inimbitahan sa Peru para pagtibayin pa ang ugnayan sa Pilipinas

Inimbitahan ni Dina Boluarte, pangulo ng Peru, si Pangulong Ferdinand R. Marcos jr. sa Peru para sa isang state visit sa 2024.

Isa si Dina Boluarte, pangulo ng Peru, sa mga nakapulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa the sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Economic Meeting sa San Francisco, California, at hinimok niya ito na mas pagtibayin pa ang relasyon ng Pilipinas at Peru.

Sa ginanap na bilateral meeting ng dalawang pinuno nitong Biyernes, Nobyembre 17 (Manila time), sinabi ni Marcos na napapanahon nang pagtibayin pang lalo ang relasyon ng dalawang bansa dahil gugunitain na nito ang ika-50 taon ng ugnayan nito sa 2024

“I find that this is important, in this time in our history, because of the importance of alliances and the partnerships that we forge in this time as we are trying to recover, to transform the economies after the pandemic, and in the face of the many geopolitical shocks that both our countries are feeling,” sabi ni Marcos sa kaniyang pahayag.

Sinegundahan naman ito ni Boluarte, at inimbitahan pa si Marcos na bumisita sa Peru sa susunod na taon, lalo pa’t ito ang magiging host ng susunod na APEC meeting.

“I would also like to take this opportunity to invite you officially for [an] official State Visit to Peru. Next year it is going to be 50 years. So, we’d be honored if you can pay a state visit to us to commemorate,” aniya.