Nagbubunga na agad ang byahe: 5 kasunduang pangnegosyo, pinirmahan ni PBBM sa Japan

Isa ang Japan sa mga matalik na kaibigan ng Pilipinas, at ang mga kasunduang ito ay patunay na kumpiyansa ito sa bansa at patuloy na mamumuhunan dito.

Inanunsyo ni Trade Secretary Alfredo Pascual na mayroon ng limang kasunduan at memoranda of understanding (MOU) na nakatakdang pirmahan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na kasalukuyang nasa Japan para sa ASEAN-Japan Summit.

Sinabi ni Pascual sa isang media interview na pipirmahan ang mga kasunduan sa Disyembre 18.

“It’s an expression of interest to invest in the Philippines, expressions of Japanese companies to invest in the Philippines. Some are MOU between Philippine companies and Japanese companies,” saad ni Pascual sa isang pahayag sa Presidential Communications Office.

BASAHIN RIN: Sama-sama sa pag-angat: PBBM, isusulong ang mga proyekto ng ASEAN tungo sa kaunlaran

Paliwanag ni Pascual, ang mga kasunduang ito ay patunay na kumpiyansa ang Japan sa Pilipinas at mayroon itong “serious intent and serious plans to proceed to the investment.”

“It has [the] support of the present policy of the administration in the sense that we are inviting foreign investors to come into the country and these Japanese investments are most welcome,” ani Pascual. “They are among the largest investors in the Philippines already among all the nationalities that have operations in the country.”

Isa ang Japan sa mga kaalyado ng Pilipinas at ikalawa sa pinakamalaking trading partner nito.