Nagbago isip? Duterte, pabor na sa Cha-cha

Nagbago ang tono ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isinusulong na Charter Change (Cha-cha).

Nagbago ang tono ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isinusulong na Charter Change (Cha-cha).

Ito ay matapos magpahayag ng suporta ang dating lider sa Cha-cha, taliwas sa kanyang unang opinyon ukol sa isyu.

Aniya, dapat suportahan ng mga Pilipino ang pag-amyenda sa Konstitusyon kung ito ay para sa kapakinabangan ng bansa at magpapabuti sa buhay ng mga tao.

Ngunit, nilinaw ng dating pangulo na ang anumang panukala para sa pag-amyenda ng Konstitusyon ay dapat limitado sa mga probisyong pang-ekonomiya.

“Siguro iminumungkahi ko sa sinumang may kontrol na ang mga pagbabago ay maaaring gawin kung makikinabang ang mga tao. Sana manatiling ganoon,” ani Duterte.

“…Iniisip ko pa rin kung ano ang meron sa economic provisions na hindi pa naitatama. As long as we stick to the economic provision, (okay lang),” dagdag pa niya.