Nagbago isip? Baste Duterte gustong makipagbati sa mga Marcos

"I just want this to end."

“I just want this to end.”

Ito ang hiling ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na tapusin na ang hidwaan sa pagitan ng mga Duterte at mga Marcos.

Ayon sa isang statement ni Baste, dapat daw ay magbati na ang dalawang panig para sa Uniteam at dapat lang na piliin ang ‘peace over conflict’ para sa kapakanan ng mga Pilipino.

“I just want to Uniteam, mas maganda sana na nandyan pa yung Uniteam. Wala eh, let’s see. We will always choose peace over conflict. It’s for… para sa lahat natin,” saad ni Baste Duterte.

Tinawag na comedy gold o joke lang daw ang panawagan ni Baste kay Marcos na mag-resign na bilang pangulo ng Pilipinas dahil mas inuuna naman daw nito ang personal na interes kumpara sa kung ano ang makakabuti para sa mga Pilipino.

Minsan ding pinasaringan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Marcos na siya raw ay lutang at sabog, at nili-link sa ipinagbabawal na droga.