Nagawa ang mga prayoridad, wala pa sa kalahati ng termino! 53 sa 57 priority bills, pasado na Kamara—Romualdez

Para kay House Speaker Martin Romualdez, mission accomplished na ang Kamara dahil naipasa na nito ang 53 sa 57 na priority bills na itinakda ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Legislative-Executive Development Advisory Council.

Mission accomplished na ang Kamara dahil naipasa na nito ang 53 sa 57 na priority bills na itinakda ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

“We have accomplished our mission as lawmakers by acting promptly on the legislative agenda of President Marcos, which is focused on sustaining economic growth, helping the poor and vulnerable sectors, creating jobs and income opportunities, and in general, making life better for every Filipino,” ani Romualdez sa isang pahayag.

Gayunpaman, tiniyak ni Romualdez na mananatiling pursigido ang House of Representatives sa pagpasa sa apat pang panukala na nakabinbin dito. Una na diyan ang House Bill (HB) No. 9713, o ang An Act institutionalizing a Philippine self-reliant defense posture program and promoting the development of a national defense industry pursuant thereto.

Ayon kay Romualdez, layon ng HB 9713 na matulungan ang Armed Forces of the Philippines na magtayo ng “credible defense program” para sa bansa.

Tatrabahuhin rin aniya ng Kamara ang Electric Power Industry Reform Act, ang Budget Modernization Bill, at ang National Defense Act.