Nag-sick leave na empleyado, naagnas na nang matagpuan

Patay at naaagnas na ang bangkay ng isang lalaking empleyado nang matagpuan ito sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Greater Lagro, Quezon City.

Patay at naaagnas na ang bangkay ng isang lalaking empleyado nang matagpuan ito sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Greater Lagro, Quezon City.

Ayon sa ulat, huling nakausap ang lalaki ng kanyang katrabaho noong Abril 25 bago ito mag-file ng sick leave sa kanilang opisina.

Dahil sa pag-aalala ay nanghingi na ng saklolo ang kanyang mga katrabaho kung kaya’t pinuntahan ito ng mga awtoridad.

Nakailang katok umano ang mga tanod sa pinto subalit walang sumasagot. Matapos sirain ang pintuan ay bumungad sa kanilang ang masangsang na amoy at naagnas na bangkay ng biktima.

Bukod pa riyan, natagpuan ding walang buhay ang kanyang tiyahin.

Samantala, patuloy ang mga awtoridad sa pag-iimbestiga upang matukoy ang ikinamatay ng mga biktima.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga kamag-anak ng mga nasawi.