Nag-init sa tag init? Mga buntis sa Naga, dumami nitong El Niño

Sabay sa tag-init ang kapusukan ng mga residente sa Naga sa naobserbahan na pagtaas ng bilang ng nagbuntis kasabay ng El Niño.

Sabay sa tag-init ang kapusukan ng mga residente sa Naga sa naobserbahan na pagtaas ng bilang ng nagbuntis kasabay ng El Niño.

Ayon sa datos ng Naga City Health Office, umabot sa 754 pregnant women ang naitala mula Enero hanggang Abril ngayong taong.

Higit umano itong mas mataas sa 242 bilang ng buntis noong nakaraang taon sa parehong mga buwan.

Ayon kay Safe Motherhood at Adolescent Coordinator, Nurse Margarita Romina Barrion, malaki ang epekto ng tag-init sa mga buntis.

Aniya, maaaring mapaaga ang pagsilang ng mga sanggol dahil sa mainit na klima dahilan para maapektuhan ang development ng mga bata.

Ayon naman sa Population Program Officer IV ng Naga City Population and Nutrition Office na si Joy Macaraig, may koneksyon ang mainit na panahon sa pagdami ng nagdadalang-tao.

Mas tumataas umano ang libido at blood flow ng isang tao kapag mainit, habang ang mga kalalakihan naman ay mas tumataas ang testosterone level dahil sa vitamin D na nanggagaling sa sikat ng araw.