Nag-imbento ng karaoke, pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang imbentor ng karaoke na si Shigeichi Negishi, ayon sa kanyang pamilya.

Sumakabilang-buhay na ang imbentor ng karaoke na si Shigeichi Negishi, ayon sa kanyang pamilya.

Base sa ulat ng Wall Street Journal, noong Enero 26 pa pumanaw si Negishi sa edad na 100.

Nakilala si Negishi sa pag-imbento ng “Sparko Box” noong 1967, na itinuturing na unang karaoke machine.

Dahil sa kanyang tiwala sa kanyang imbensyon ay naglagay si Negishi ng halos 8,000 Sparko Box sa iba’t-ibang bahagi ng Japan. Gayunpaman, hindi gaanong pumatok ang kanyang negosyo at hininto niya rin ito noong 1975.

Sa kabilang dako, may ilang malalaking kompanya ang nagka-interes sa imbensyon ni Negishi at sila na ang nagpalaganap ng industriya ng karaoke sa buong mundo.