Nag-gluta session sa Senado! Mariel Padilla sinuka ng netizens

Hindi ikinatuwa ng ilang netizen ang Instagram post ni Mariel Padilla kung saan ibinida nito ang kanyang intravenous therapy (IV) drip habang nasa opisina ng kanyang asawang si Sen. Robinhood Padilla.

Hindi ikinatuwa ng ilang netizen ang Instagram post ni Mariel Padilla kung saan ibinida nito ang kanyang intravenous therapy (IV) drip habang nasa opisina ng kanyang asawang si Sen. Robinhood Padilla.

“Drip anywhere is our motto! Hehehe I had an appointment with @dripinluxeph but I was going to be late so I had it done in my husband’s office. Hehe I never miss a drip because it really helps in so many ways. A collagen production, whitening, energy, metabolism, immunity and 50000 much more! So convenient and really effective, magaling talaga,” saad ni Mariel sa caption ng kanyang post, na binura niya matapos makatanggap ng negatibong mga komento.

Ayon sa mga netizen, kawalan ng respeto sa Senado ang inasal ni Mariel. Narito ang ilang komento ng mga netizen sa X (dating Twitter).

“Kahit saan daw ginawa pang beauty salon ang Senado!! Ano ba yan Mariel.”

“The sense of entitlement and the tone-deafness is appalling.”

“Yan pala ‘yung post. Naknang tokwa. Nagpa gluta drip sa opisina si Sen. Robin?! Ginawang clinic ang Senado.”

“Hindi na nahiya, porket asawa ng senador. Entitled much. Hindi ba makakapag antay yang gluta session nya sa kanila? I never really liked her kahit nung nag uumpisa pa lng sya at sa PBB, lalo na nung binully nya noon si Ivana Alawi.”

Wala pang pahayag ang mag-asawa hinggil sa kontrobersyal na post.