Nag-commute lang, nagka-fiance na! Lalaki viral sa pag-propose sa LRT1

Viral sa TikTok ngayon ang nakakakilig na proposal ng isang lalaki para sa kanyang girlfriend sa LRT-1.

Viral sa TikTok ngayon ang nakakakilig na proposal ng isang lalaki para sa kanyang girlfriend sa LRT-1.

Base sa video na ibinahagi ni Wenzel Odono, makikita na palabas na siya ng Bambang Light Rail Transit (LRT) 1 station, nang tawagin siya ng kasintahang nagtatago.

Paglingon ni Odono ay laking gulat niya na makita si bf na si Mark Castro Magnaye, na may hawak na bouquet ng bulaklak.

Mas lalong naging sweet ang pagkikita ng dalawa nang hubarin ni Magnaye ang suot na jacket at ipakita ang tshirt na may nakasulat na “Will you marry me?”

Ayon kay Odono, kabababa lang ng barko ni Magnaye, at inakala pa umano niyang siya ang magsusundo dito.

“I said YES! Mark Castro Magnaye akala ko
susunduin kita sa airport pag baba ng barko pero mas maaga pa pala baba mo at may pa surpise ka pa. Kung saan tayo unang nagkita
I LOVE YOU LOVE KO,” caption nito.

Umani naman ng mahigit 100K ang pumuso sa video habang nasa halos 5,000 ang nag-share nito.

TINGNAN:

@wenzelodono I said YES!💍🥹♥️🫶🏻 @Mark Castro Magnaye akala ko susunduin kita sa airport pag baba ng barko pero mas maaga pa pala baba mo at may pa surpise kapa 🥹🥹 Kung saan tayo unang nagkita ☺️ I LOVE YOU LOVE KO🥰 #Proposal #Seaman #Love #FYP #Blessed #MarraigeProposal #LRTProposal #LDR #WeddingProposal #Surprise #MarinoGirlfriend #LDRCouple #Engagement