Nag-amok na Fortuner driver sa Subic, pinahahanap ng LTO

Ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang imbestigasyon sa napaulat na road rage incident sa Subic, Zambales.

Ipinag-utos ni Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang imbestigasyon sa napaulat na road rage incident sa Subic, Zambales.

Sa isang viral video nitong weekend, makikitang paulit-ulit na binangga ng isang itim na Toyota Fortuner ang isang Hyundai Eon compact car sa kahabaan ng Binictican Road malapit sa Subic International Golf Club.

May punto pa na tila nais sagasaan ng Fortuner driver ang matandang nakatungkod at babae na lumabas mula sa Eon at tumabi sa gilid ng kalsada. Umalis din kalaunan ang Fortuner.

Nagpasalamat si Mendoza sa uploader ng video sa Facebook at agarang inatasan ang LTO Region III na tuntunin ang may-ari ng Fortuner.

“Malinaw sa video na hindi katanggap-tanggap ang inasal ng driver kung saan matapos banggain ay tinakbuhan pa ang kanyang responsibilidad,” ani Mendoza.

Dagdag pa niya, nakaalarma na ang LTO sa Fortuner na may conduction sticker na Z7N788

Inatasan din ng opisyal ang LTO Region III na makipagtulungan sa mga biktima at pamilya nito bilang bahagi ng imbestigasyon.