Nadia Montenegro, Baron Geisler may anak?

Binigyang linaw na ni Nadia Montenegro ang matagal nang usap-usapan na may anak sila ng aktor na si Baron Geisler.

Binigyang linaw na ni Nadia Montenegro ang matagal nang usap-usapan na may anak sila ng aktor na si Baron Geisler.

Sa panayam kay Nadia, sinabi nito na hindi niya pinagsisisihan na isinilang ang kanyang anak na si Sophia.

Bukod pa riyan ay hindi rin umano niya itinago sa mga mahal niya sa buhay, lalo na sa yumaong asawa na si former Caloocan Mayor Boy Asistio, ang pagkakaroon ng anak kay Baron.

“Hindi ko ito itinago sa mga taong dapat nakakaalam. Hindi ko rin ito itinago sa mga mahal ko sa buhay. Hindi ko itinago sa anak ko. Hindi ko itinago kay Boy… In fact, all these years, it was so difficult for people to understand. Bakit okay sila? Bakit nagtagal sila ni Boy? Bakit sila okay ng mga anak niya kung may ganito?” inilahad ni Nadia sa YouTube vlog ni Julius Babao.

“Pinalaki ko siya, punumpuno ng pagmamahal. Punumpuno ng respeto sa tatay niya, si Boy, sa nagbigay ng pangalan sa kanya, sa nagpaaral sa kanya, sa nagmahal sa kanya. Walang pupuwedeng magkuwestiyon outside our circle… I am not unfazed, wala akong pakialam sa kanila,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi rin ni Nadia na tila walang nang balak ang kanyang anak na magkaroon pa ng ugnayan sa kanyang tunay na ama.

Matatandaang nauna nang inilantad ni Baron na bukod sa kanyang anak sa misis na si Jamie Evangelista, ay mayroon pa itong panganay na babae.

“As of now, hindi. Kasi isang beses pa lang sila nagkita, biglang in-announce na agad. So, asan du’n ang intensiyon mo? Magkaroon ng relationship o gusto mo ng views? Gusto mong mapag-usapan o gusto mong mag-promote? Ilagay mo sa tama kung ano ang intensiyon mo kasi ramdam na ramdam ko. Ayaw na ng anak ko. And give me a reason why. Are you even worth it? To be called a dad?” sey ni Nadia.

PANOORIN: