Nadamay pa ang mga bata: Lalaking may itak, nag-amok sa Ifugao, nakapasok pa sa paaralan

Sinabi ng lalaking nag-amok na may humahabol raw dito kung kaya ito nanaga, ayon sa paunang imbestigasyon ng pulis.

Nag amok ang isang lalaki sa Asipulo town, Ifugao province at nanaga ng mga tao gamit ang isang itak noong Huwebes, Nobyembre 2, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Tinukoy ng mga awtoridad ang lalaki na si David Dulnuan Bullong, na naninirahan sa Antipolo village sa Asipulo.

Ayon kay Capt. Francisco Buyuccan, ang hepe ng Asipulo PNP, isang limang taong gulang na batang lalaki ang napatay ni Bullong, samantalang sugatan naman dahil sa pag-aamok niya ang sampung iba pa.

Natukoy ang bata na si Joe Tagnaon, na binawian ng buhay dahil sa mga taga nito. Ang mga sugatan naman ay dinala sa Panopdopan District Hospital at Region 2 Trauma and Medical Center sa Nueva Vizcaya.

Batay sa imbestigasyon, nagsimulang mag-amok si Bullong habang papunta siya sa villager road. Nakapasok rin siya sa Asipulo Central School kung saan nag-amok rin siya.

Napag-alaman ng mga awtoridad na ex-convict si Bullong, na unang nakulong noong 2001. Nakulong ito muli noong 2013 dahil sa frustrated murder.